^

Probinsiya

Lady ‘pusher’ arestado sa higit P.3 milyong shabu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Lady �pusher� arestado sa higit P.3 milyong shabu
Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police sa lungsod, kinilala ang suspek na si Tess Ando, 35, may live in partner at residente sa nabanggit na lugar.

LUCENA CITY, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng isang babaeng sinasabing tulak ng ipinagbabawal na droga makaraang makumpiskahan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa P.3-milyon sa buy-bust operation na isinagawa sa Purok 2, Barangay Dalahican, dito, kahapon ng umaga.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police sa lungsod, kinilala ang suspek na si Tess Ando, 35, may live in partner at residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon ni P/Cpl. Christopher Anonuevo, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) na sa kabila ng maigting na kampanya ng pulisya at lokal na pamahalaan laban sa illegal drugs ay walang takot ang suspek sa kanyang ilegal na gawain.

Agad na nagsagawa ng buy-bust operation laban sa suspek dakong alas-8:16 ng umaga ang CDEU katuwang ang 403rd PNP Maritime Group, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Highway Patrol Group (HPG) na armado ng body cameras.

Nakuha buhat sa suspek ang 14 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 15.10 gramo at nagkakahalaga ng P308,040.00 at P500 marked money.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with