^

Probinsiya

71-anyos na ‘wanted’ timbog sa rape

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

ZAMBALES, Philippines — Isang 71-anyos na lolo na tatlong taon nang nagtatago sa batas dahil sa kasong panggagahasa ang naaresto ng mga tauhan ng San Antonio Municipal Police, sa lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Edito Mocorro, may asawa at residente ng Purok 4 Barangay Luna ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang San Antonio Police mula sa tanggapan ng Provincial Intelligence Unit ng Biliran province kaugnay sa kasong kinasasangkutan ng suspek na nagtatago sa San Antonio, Zambales.

Taong 2018 nang ireklamo ng panggagahasa ng isang alyas “Letty” ang suspek at nang makarating sa kaalaman ng huli, siya ay nagtago na sa batas.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Constantino F. Esber, executive judge, RTC ng 8th Judicial Region Branch 37, sa Naval, Biliran noong May 2, 2018 para sa kasong rape at pinagpipiyansa ang suspek ng halagang P120,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

vuukle comment

RAPE

WANTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with