^

Probinsiya

Pagkamatay sa hazing ng grade 10 student sa Negros Occidental, kinondena ng DepEd

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pagkamatay sa hazing ng grade 10 student sa Negros Occidental, kinondena ng DepEd
“Mariing kinokondena ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang kahit anumang karahasan na ginagawa laban sa mga mag-aaral at mahigpit na ipinatutupad ang Anti-Hazing Act na nagbabawal sa pagsasagawa ng ha­zing o anumang initiation rites na may kinalaman sa mga fraternities, sororities at katulad na samahan. Kami ay nagpalabas ng mga kautusan na nagbabawal sa pagsasagawa ng ha­zing sa mga paaralan at nagpapataw ng parusa sa paglabag nito,” anang DepEd, sa isang pahayag.
STAR / File

MANILA, Philippines — Mariing kinokondena ng Department of Education (DepEd) ang umano’y hazing na sinasabing naganap sa San Enrique, Negros Occidental na ­nagresulta sa pagkamatay ng isang Grade 10 student kamakailan.

“Mariing kinokondena ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang kahit anumang karahasan na ginagawa laban sa mga mag-aaral at mahigpit na ipinatutupad ang Anti-Hazing Act na nagbabawal sa pagsasagawa ng ha­zing o anumang initiation rites na may kinalaman sa mga fraternities, sororities at katulad na samahan. Kami ay nagpalabas ng mga kautusan na nagbabawal sa pagsasagawa ng ha­zing sa mga paaralan at nagpapataw ng parusa sa paglabag nito,” anang DepEd, sa isang pahayag.

Nabatid na sa ilalim ng DepEd Order No. 7, s. 2006, na pinamagatang “Reiterating the prohibition of the practice of hazing and the operation of fraternities and sororities in elementary and secon­dary schools,” i­naatasan ang mga paaralan na maki­pagtulungan sa mga lokal na yunit ng Department of Interior and Local Government, Department of Social Work and Development, at ng Philippine National Police upang masubaybayan at makontrol ang pagkalat ng mga fraternities, sororities at mga  kahalintulad na samahan sa elementarya at sekondaryang mga paaralan sa kani-kanilang lugar.

Dagdag pa rito, ang DepEd Order No. 3, s. 2021, o ang Child Protection Unit ng Kagawaran ay binuo upang isagawa ang pangako ng pamahalaan sa isang zero-tolerance policy laban sa anumang uri ng pang-aabuso, pagsasamantala, diskriminasyon at pambu-bully.

Batay sa ulat ng Commission on Human Rights (CHR) na nag-iimbestiga na sa kaso, sumali umano ang biktima sa fraternity noong Marso ngunit hindi sumailalim sa initiation rites dahil menor de edad pa siya noon.

Bago ang pagkamatay ng biktima, isang araw lamang matapos ang kanyang ika-18 taong kaarawan, sinabi umano niya sa kanyang mga magulang na pinagpapalo siya ng paddle ng mga suspek.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with