^

Probinsiya

10 timbog sa mahjong, Tong-its at Bingo pasugalan sa gitna ng pandemya, ni-raid

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

ABUCAY, Bataan, Philippines — Arestado ang 10 katao nang maaktuhan ng mga alagad ng batas habang nagsusugal sa isinagawang pagsalakay sa isang gambling den sa Barangay Calaylayan ng bayang ito kamakalawa. 

Kinilala ang mga naaresto sa paglalaro ng mahjong na sina Ruben Olivares, 66-anyos, Emmanuel Magno, 39; Josielyn Mendoza, 53, at Edna Policarpio, 55, residente ng nasabing lugar.

Habang ang mga naglaro ng Tong-its ay kinilalang sina Jingle Cabugatan, 48; Julieta Fernandez, 54, at Gabriel Lagdo, 40.

Hindi rin nakapalag nang arestuhin ang mga sugapa sa Bingo na sina Maricel Gadon, 41; Cerry Pabella, 51; kapwa mi­yembro ng 4Ps at Beverly Barameda, 27.

Ayon sa ulat, nakatanggap ang pulisya ng tawag sa telepono na mayroong nagaganap na sugal pasado alas-5 ng hapon sa naturang lugar kung kaya agad na pinuntahan ng mga otoridad at huli sa aktong nagsusugal ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 1-mahjong, 2-dice, cash na P530 para sa larong mahjong, baraha at cash na P530 para sa larong Tong-its, 30 Bingo card at P15 cash sa Bingo.

Ang mga nadakip ay kakasuhan dahil sa illegal gambling.

vuukle comment

ILLEGAL GAMBLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with