Delta variant COVID-19 nakapasok na sa Zambales
IBA, Zambales, Philippines — Isang kaso ng Delta Variant ng COVID-19 ang naitala ng Provincial Health Office mula sa bayan ng San Antonio ng lalawigang ito.
Kinumpirma ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr. sa pamamagitan ng facebook live kamakalawa ng gabi na mayroon ng kauna-unahang confirmed case ng Delta Variant sa lalawigan.
Maliban dito ay walong indibidwal pa ang nakunan ng specimen para sa genome sequencing ng Delta variant test at kasalukuyang inaantay pa ang resulta nito.
Patuloy naman ang pagpapaalala at panawagan ni Ebdane na sundin ang minimum public health protocols katulad ng paghuhugas ng kamay, pagpupunas ng alcohol at pagsusuot ng face mask at face shield sa mga pampublikong lugar.
- Latest