^

Probinsiya

Butanding sumabit sa lambat

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines — Isang whale  shark o mas kilala sa tawag na butanding ang pinakawalan ng mga mangingisda at residente ng Lamon Bay sa Atimo­nan, Quezon noong Lunes matapos sumabit ito sa isang fishing net malapit sa pampang.

Ayon sa ulat ng Department of Environment and Natural Resources, ang butanding (Rhincodon typus) ay may habang tatlong metro at walang  ano mang sugat sa katawan nang ma­tagpuan.

Nagtulung-tulong ang may 30 mangingisda, mga residente at barangay officials para paka­walan ang sumabit na butanding sa karagatan.

“Hindi ito ang unang­ pagkakataon na ma­ka­kita ng butanding ang mga residente dito,” ayon sa Conservation and Development Division - Coastal Resources and Foreshore Management Section ng DENR CALA­BARZON.

Pinaalalahanan naman ni Regional Executive Director Nilo Tamoria ang mga residente na kung sakaling makakakita sila ng butanding ay huwag itong hawa­kan o pakainin para hindi makaapekto sa kanilang pag-uugali at kalusugan.

Batay naman sa datos ng International Union for Conservation of Nature (IUCN) Red List, nasa kategoryang endangared na ang mga butanding dahil sa pagbaba ng kanilang bilang.

Ang ilan sa mga dahilan ng kanilang pagkonti ay ang illegal na pangingisda at aksidenteng tinatamaan ng mga sasakyang pandagat.  

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with