^

Probinsiya

Tabang bridge sa Guiguinto bubuksan na sa Agosto 30

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Simula sa Agosto 30 ng taong ito, muli nang madadaanan ng lahat ng uri ng sasak­yan ang tulay ng Tabang sa Guiguinto matapos na ito ay isailalim sa rekons­truksyon at nilaparan ang kalsada.

Ito ang tiniyak ni Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara nang makapanayam ng ilang mamamahayag sa kanyang tanggapan sa Brgy. Tikay, Malolos City.

Ayon kay Alcantara, ang masamang panahon na lamang ang makapi­pigil para matapos nila sa petsang nabanggit ang Tabang Bridge, dahil kailangang maaraw ang pa­nahon kapag binuhusan nang tuluy-tuloy ng semento o “monolithic” ang “slab” na siyang dinadaanan ng mga sasakyan. 

Malaking problema aniya kung sa kalagitnaan ng pagsesemento ay biglang umulan, dahil makakompromiso ang tibay ng paggawa nito. 

Agosto 15 ang unang petsang naipangako ni Alcantara kay Guiguinto Mayor Ambrosio “Boy” Cruz, Jr. sa pagbubukas ng nasabing tulay subalit hindi naisakatuparan dahil sa hindi magandang panahon sa nakalipas na 2-3 linggo.

Nasa 85 porsyento­ nang tapos ang Tabang­ Bridge na may 25 metro ang haba, 18 metrong lapad at magiging 4 na “lanes.” Nagkakahalaga ng mahigit P31-mil­yon ang rekonstruksyon at pagpapalapad ng Tabang Bridge na sini­mu­lang gawin noong Enero. 

vuukle comment

BRIDGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with