^

Probinsiya

Lider ng CPP-NPA na may P4.5 milyong patong sa ulo timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lider ng CPP-NPA na may P4.5 milyong patong sa ulo timbog
Sa pinagsamang ulat ng MIMAROPA (Min­doro, Marinduque, Romblon , Palawan) Police at ­Quezon Police, kinilala ang nasakoteng wanted na si Ernesto Panganiban, gumagamit ng mga alyas na “Ka Gavino Panganiban”, “Joker”, “Istoy”, “Nori” at “Rato”, 50-anyos.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nahulog sa kamay ng batas ang isang most wanted na lider ng Communist Party of the Phi­lippines–New People’s Army–National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na may patong sa ulo sa isinagawang operasyon sa Brgy. Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro kamakalawa.

Sa pinagsamang ulat ng MIMAROPA (Min­doro, Marinduque, Romblon , Palawan) Police at ­Quezon Police, kinilala ang nasakoteng wanted na si Ernesto Panganiban, gumagamit ng mga alyas na “Ka Gavino Panganiban”, “Joker”, “Istoy”, “Nori” at “Rato”, 50-anyos.

Si Panganiban na may kasong murder at iba pang kasong criminal at may patong sa ulong P4.5 milyon para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaresto nito ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Agripino Bravo, acting presiding judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 65 sa Infanta, Quezon noong Marso 18, 2019.

Bandang alas-7 ng umaga nang maaresto si Panganiban ng Special Project Team ng Oriental Mindoro Police, PNP-Intelligence Group, 203rd Infantry Brigade ng Phl Army, Regional Mobile Force Battalion (RMFB) IVB, Provincial Intelligence Unit ng ­Quezon Police at iba pang units ng pulisya sa Brgy. Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro.

Si Panganiban ay sangkot umano sa iba’t ibang ilegal na aktibidades at taktikal na opensiba sa Oriental Mindoro kabilang ang pakikipag-engkuwentro sa tropa ng Army sa Brgy. Purnaga, Magsaysay, Occidental Mindoro kamakailan.

vuukle comment

CPP-NPA-NDF

MIMAROPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with