^

Probinsiya

Small scale mining sa Nueva Vizcaya, pinatigil

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Tuluyang tumigil ang operasyon ng mga small scale miners sa isang minahan ng ginto matapos kumpiskahin ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang kanilang mga ball mills sa Barangay Runruno, Quezon ng lalawigang ito, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay Engineer Mario Ancheta, MGB Region 2 director, ang tatlong araw na operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), Phil. Army (PA) at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) simula nitong Martes hanggang Huwebes sa mga Sitio ng Bit-ang at Balcony sa Brgy. Runruno.

Iginiit ni Ancheta na sa kabila ng maraming cease and desist orders na inilabas ng MGB simula pa noong Nob. 2020 ay tumanggi pa rin ang mga illegal settlers at miners na lisanin ang geo-hazard at prone sa landslide na lugar.

Dahil dito, giniba at kinumpiska ng mga awtoridad ang mga ball mills ng mga minero para wala na silang gagamitin sa pagproseso sa kanilang mga stockpiles.

Ayon naman kay Atty. Gelacio Bonggat, NBI Region 2 director, bilang pangunahing ahensya na dineputized ng MGB, agad nilang ipinatupad ang pag-alis sa mga makina sa lugar sa tulong ng mga pulis at sundalo. 

Nilinaw ni Bonggat na wala silang winasak o sinira kahit isang bahay maliban sa mga ball mills, taliwas sa sinasabi sa social media na may demolisyon sa mga kabahayan na nangyari.

vuukle comment

MINING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with