^

Probinsiya

Sundalo nadale ng ‘basag-kotse’

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Isang babaeng miyem­bro ng Philippine Army ang nabiktima ng “Basag-Kotse Gang” matapos nitong iparada ang kanyang sasakyan sa harap ng isang Korean restaurant sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Bernardo District, dito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Pfc. Genna Uy, 29, dalaga, at nakatalaga sa Army Artillery sa loob ng Fort Ramon Magsaysay, Palayan City, NE.

Sa ulat, alas-4:40 ng hapon habang nasa loob ng Gang-Te Samg­yupsal Korean restaurant ang biktima nang atakihin ng hindi pa nakikilalang mga miyembro ng Basag-Kotse Gang ang kulay dark blue na Ford Ranger pickup, may plakang CZ-Y866, na government-issued service vehicle.

Binasag ng mga suspek ang salaming bintana ng passenger side ng pickup at doon ay nilimas ang nasa loob ng sasak-yan na kinabibilangan ng isang itim na bag na may laman na 450 piraso ng FCCs ng 9mm; 2 Landbank ATM cards; 1 BDO ATM card; isang Gcash ATM cashcard; isang LTOPF ID; isang PPSA ID; humigit-kumulang na P25,000cash; isang black pouch; at isang personal na USB files ng biktima.

Kasalukuyan pang nire-review ng pulisya ang nakuhang CCTV footage sa lugar upang makatulong sa pagtun-ton sa mga suspek.

vuukle comment

ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with