^

Probinsiya

Bulkang Mayon balik na sa normal — Phivolcs

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bulkang Mayon balik na sa normal � Phivolcs
Ayon sa Phivolcs, nagbalik na ang observational parameters sa baseline levels ng bulkan at wala nang magmatic eruption na posibleng maganap sa mga dara­ting na araw.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Balik na sa normal ang kondisyon ng Bulkang Mayon sa Bicol makaraang maibaba ng Phi­lippine Institute of Volca­nology and Seismology (Phivolcs) ang status ng bulkan sa level 0 (zero) o normal mula sa level 1 (abnormal).

Ayon sa Phivolcs, nagbalik na ang observational parameters sa baseline levels ng bulkan at wala nang magmatic eruption na posibleng maganap sa mga dara­ting na araw.

Ilan sa mga para­meters na ito ang pagbaba ng volcanic earthquakes na naitatala sa bulkan na may ave­rage  na 0-5 kada araw sa nakalipas na anim na buwan.

Ang volcanic earthquakes ay dulot ng paggalaw o pagbuga ng  magma mula sa bulkan, ang pagbaba ng  frequency  ng bulkan ay nagpapakita na nawala na ang  rock-fracturing sa volcanic edifice na may  magmatic o hydrothermal activity.

Bumaba na rin ang pagluwa ng supre ng Bulkang Mayon  na mababa sa  baseline level na 500 tonelada kada araw mula July 14 at wala ring plume na naitala sa bulkan. Ang plume emission mula sa crater ng bulkan ay mahina hanggang sa katamtaman ngayong taon.

Sa kabila nito, patuloy na pinagbabawalan ang publiko na pumasok sa 6-kilometer permanent danger zone dahil sa banta ng rockfalls, avalanche, ash puff at steam-driven eruption sa  summit area ng bulkan. 

Pinapaalalahanan din ang mga residente na kahit normal na ulit ang bulkan ay ugaliin pa ring nagmasid sa paligid dahil sa banta ng lahar sakaling magkaroon ng malalakas na pag-ulan doon.

vuukle comment

BULKANG MAYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with