^

Probinsiya

2-anyos nalunod sa irigasyon

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

CALABANGA, Camarines Sur, Philippines — Patay na nang matagpuan ng mga residente at kaanak ang isang 2-anyos na lalaking paslit matapos na malunod sa irrigation canal sa Zone-2, Brgy. Bigaas ng bayang ito ka­makalawa ng hapon.

Sa pakiusap ng pamilya, itinago ang batang biktima sa pangalang “Danny”, residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-2 ng hapon ay nagpunta ang ate ng biktima na kinilalang si Maria sa irrigation canal para maligo.

Ilang sandali lang matapos magtampisaw sa tubig ay umuwi agad si Maria dahil sa naiwan ang nakababatang kapatid na si Danny sa kanilang bahay. Gayunman, pagdating sa bahay ay wala ang kanyang kapatid kaya hinanap niya sa paligid at nang hindi matagpuan ay nagpatulong na siya sa mga kabarangay.

Dakong alas-2:30 na ng hapon nang matagpuan ang paslit habang nakalubog sa tubig at patay na sa irrigation canal.

Pinaniniwalaang sumunod ang biktima sa kanyang ate pero nahulog at nalunod sa irrigation canal sanhi ng pagkasawi nito.

vuukle comment

LUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with