^

Probinsiya

Rookie cop patay sa road mishap

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Patay ang isang bagitong pulis matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang kotse sa bahagi ng Barangay Sillawit sa Cauayan City, Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Carlo Angelo Gaffud, 29, nakatalaga sa Cabatuan Police Station at residente ng Brgy. Nungnungan 2, Cauayan City.

Sa ulat, binabagtas ng biktima ang pangunahing kalsada habang sinusundan ang isang kotse na minamaneho ni Ronnie Aquino Jr, 23, medical technologist at residente ng Brgy. San Miguel, Luna, Isabela.

Umiwas umano sa isang barikada ang rider na pulis na naging dahilan para bumangga sa sinusundang kotse at tuluyang nawalan ng kontrol sa manibela bago tuluyang sumemplang at humampas sa isang nakaparadang tricycle.

Agad rumesponde ang mga kagawad ng Rescue 922 at dinala ang biktima sa ospital subalit binawian ng buhay dahil sa matinding mga sugat sa ulo at katawan.

Tumakas naman ang driver ng kotse subalit nadakip din ng mga rumes­pondeng pulis sa bayan ng Reina Mercedez.

vuukle comment

ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with