^

Probinsiya

Radio commentator todas sa ambus

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Radio commentator todas sa ambus
Batay sa report ng Cebu-PNP, dakong alas-9:00 ng umaga ay papasok na ang biktima sa kanyang programa nang bigla na lamang siyang pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang suspek.
STAR/ File

CEBU CITY, Philippines — Idineklarang dead on ar­rival sa ospital ang isang radio commen­tator nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa harap ng kanilang istas­­yon kahapon ng umaga sa naganap na ambush sa Barangay Mamba­ling, sa lungsod na ito.

Kinilala ang nasa­wing si Rey Cortes, radio blocktimer sa dyRB at residente sa Brgy. Mambaling ng na­sabing lungsod.

Batay sa report ng Cebu-PNP, dakong alas-9:00 ng umaga  ay papasok na ang biktima sa kanyang programa nang bigla na lamang siyang pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang suspek.

Matapos ang krimen,­ mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Dinala naman sa Cebu City Medical Center (CCMC) ang biktima na idineklarang­ patay sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Ayon naman kay Police Maj. Dindo Ala­ras, hepe ng Mambaling Police Station, ang trabaho ni Cortes bilang commentator ay personal na alitan ang kanilang sinisilip na motibo ng pagpatay. Nakakatanggap din umano ng death threats ang biktima.

Pinaiimbestigahan  na rin ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS)  Exe­cutive Director USec Joel Egco ang pagpatay kay Cortes.

vuukle comment

CCMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with