^

Probinsiya

Ex-inmate at karelasyong bading, itinumba

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

KORONADAL CITY, Philippines — Kapwa nasawi ang isang dating bilanggo at karelasyong bakla nang sila ay pagbabarilin sa loob ng tinutuluyang boarding house, sa Purok Silangan, Brgy. Caloocan, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Bryan Gallan, 30, manikurista; at Rodel Sagun, 21, residente ng Brgy. Gapok, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Sa ulat ng pulisya, pasado alas-7:00 ng umaga kung saan pinasok ng mga salarin ang boarding house ng mga biktima at pinagbabaril ang mga ito.

Nang matiyak na patay na ang dalawa, mabilis na tumakas ang tatlong kalalakihan na sakay ng isang motorsiklo.

Pinaniniwalaang target ng mga suspek si Sagun­ at posibleng nadamay lamang ang karelasyon­ na si Gallan.

Sinasabing kalalabas lang sa bilangguan si Sagun dahil sa kasong pagnanakaw.

vuukle comment

NINOY AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with