^

Probinsiya

Tserman sa Bangued, Abra itinumba

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Tserman sa Bangued, Abra itinumba
Sinisiyasat ng mga rumes­pondeng pulis ang katawan ni Brgy. Lubong chairman Robert Villastiqui matapos pagbabarilin hanggang sa mapatay ng ‘di kilalang lalaki sa Bangued, Abra kahapon ng umaga.
Artemio A. Dumlao

BAGUIO CITY, Philippines — Naliligo sa sariling dugo ang isang barangay chairman nang matagpuan ng mga awtoridad matapos siyang pagbabarilin ng ‘di kilalang salarin sa Bangued, Abra kahapon ng umaga.

Kinilala ng napaslang na si Brgy. Lubong, Bangued chairman Robert Villastiqui, na bibili lang sana ng sigarilyo sa isang tindahan sakay ng motorsiklo nang siya ay paulanan ng bala ng suspek.

Ang kapitan ng nasabing barangay na kilalang kaalyado nina Bangued Mayor Dominic Valera at Governor Ma. Jocelyn Valera-Bernos ay nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan sanhi ng agaran nitong pagkasawi.

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, matapos ang pamamaril ay nakita nila ang suspek na naka­suot ng pulang long sleeve shirt, black short pants at ball cap, na naglakad lang patakas patungo sa direksyon ng provincial road ng Casili East, Bangued.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with