^

Probinsiya

Rookie Coast Guard dedo, 1 sugatan sa sumemplang na motorsiklo

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARO CITY, Cagayan, Philippines — Patay ang isang bagitong miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) habang sugatan ang kanyang kasama matapos sumalpok ang sinasakya nilang motorsiklo sa isang konkretong bakod sa bahagi ng national highway ng Brgy. Callungan, Sanchez Mira sa lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ng Sanchez Mira Police ang nasawi na si Roy Genova, 22, tubong Magsidel, Calayan na pansamantalang nakatira sa Brgy. Centro 1, Sanchez Mira at kapapasok lamang umano bilang kasapi ng PCG.

Kinilala naman ang sugatang si Jeckster Duerme, 26, miyembro rin ng PCG at residente ng Brgy. Dacal, Sanchez Mira.

Sa imbestigasyon, binabagtas ng isang scooter (7507- FZ) na minamaneho ni Genova at angkas si Duerme nang biglang iniwasan nito ang isang sasakyan na sanhi upang mawalan siya ng kontrol sa manibela at tuluyan silang sumalpok sa sementadong bakod ng daan.

Hindi umano nakainom ng alak ang dalawang sakay ng motorsiklo subalit kapwa sila walang suot na helmet .

Mabilis na isinugod sa Northern Cagayan District Hospital ang dalawang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival si Genova.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with