^

Probinsiya

69-anyos lola niratrat ng ex-Army na utol

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija, Philippines — Bulagta ang isang 69-anyos na lola makaraang pagbabarilin ng nakababata nitong kapatid na isang retiradong sundalo ng Philippine Army makaraang magtalo sa harap ng isang tindahan sa may Sitio Cumabol, Brgy. Caanawan ng lungsod na ito, noong Linggo ng hapon.

Kinilala ni P/Lt. Col. Criselda de Guzman, hepe ng pulisya rito, ang nasawi na si Laureda Tugas-Bermoza, may-asawa, na idineklarang dead-on-arrival sa San Jose City General Hospital.

Arestado naman sa isinagawang follow-up operation ng pulisya sa Purok Bantug, Brgy. San Andres sa kanugnog na Science City of Muñoz, ang suspek na si Eusebio Tugas Jr., 60-anyos, residente rin ng nasabing barangay at retiradong miyembro ng Philippine Army.

Sa ulat na pasado alas-5 ng hapon nang magkita umano ang magkapatid sa harap ng Veronica Maalindog’s sari-sari store at biglang nagkaroon ng mainitang pagtatalo.

Inakala ng mga residente sa lugar na tapos na at bati na ang magkapatid matapos umuwi ang suspek sa kanyang bahay. Pero muling bumalik at bitbit na ang kanyang baril saka pinagbabaril ang kanyang ate.

Nang bumulagta ang matanda, kaswal lang na naglakad palayo ang suspek.

Gayunman, naaresto ang suspek ng mga rumespondeng pulis at nakumpiska sa kanya ang Federal caliber .45 pistol na ginamit sa pagbaril at pagpatay sa nakatatandang kapatid.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with