^

Probinsiya

Raiding team inambus: Gang member bulagta

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LIBON, Albay, Philippines — Bulagta ang isang kasapi ng notoryus na grupong “Concepcion Criminal Gang” matapos nilang tambangan ang mga pulis na magsisilbi sana ng warrant of arrest laban sa isa nilang kasapi na nauwi sa engkuwentro sa bulubunduking lugar ng Brgy. Libtong ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Tinangka pang isugod sa Rural Health Unit ng Libon pero idineklarang dead-on-arrival ang suspek na si Ernany Concepcion Maraño, binata at residente ng lugar.

Sa ulat, dakong alas-11 ng umaga bitbit ang warrant of arrest laban sa isang hindi na binanggit na pangalan ng wanted na miyembro ng gang ay sinalakay ng mga operatiba na mula sa Reqional Special Operation Unit 5, Provincial Intelligence Unit, Criminal Investigation and Detection Group 5, 2nd Provincial Mobile Force Company, Camarines Sur Police at Libon Police sa overall supervision ni Col. Randy Glen Silvio ang lugar.

Gayunman, habang binabagtas ang bulubundu­king lugar ay biglang pinaulanan ng bala ng tatlong kasapi ng gang ang mga pulis na agad nakipagputukan sa mga suspek. Duguang tumimbuwang si Maraño kaya napilitang tumakas ang dalawang iba pa.

Narekober sa napaslang na suspek ang isang 9mm submachine gun, sling bag na may lamang isang Armscor caliber 38 revolver, mga bala at ID.

vuukle comment

CONCEPCION CRIMINAL GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with