^

Probinsiya

Binata walang naiambag sa inuman, tinarakan sa leeg

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Binata walang naiambag sa inuman, tinarakan sa leeg
Kinilala ang dalawang nadakip na suspek na sina Jeric Pienpiong, 26 at Benjamin Pienpiong, 46 habang ang biktima ay si Roberto Cano kapwa residente ng Brgy. Sto. Cristo ng nasabing siyudad.
STAR/File

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Agad binawian ng buhay sa isang pagamutan ang 44-anyos na binata matapos saksakin sa leeg ng kainuman nang wala umanong maibigay na ambag sa inuman sa nasabing siyudad kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang dalawang nadakip na suspek na sina Jeric Pienpiong, 26 at Benjamin Pienpiong, 46 habang ang biktima ay si Roberto Cano kapwa residente ng Brgy. Sto. Cristo ng nasabing siyudad.

Sa inisyal na report, nangyari ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa Sitio Bacood sa nasabing barangay. Una nang nagpaalam ang biktima na uuwi na siya sa kanilang bahay pero sinundan ng dalawang suspek hanggang sa pagtulungang saksakin sa leeg.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek sa direksyon ng Quirino Highway, subalit agad rin silang naaresto at nabawi sa kanila ang patalim na ginamit sa pamamaslang sa biktima.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with