^

Probinsiya

Mag-ina kinatay, ginilitan ng leeg ng kaanak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Ina posibleng ni-rape, suspek patay sa parak

CASTILLA, Sorsogon, Philippines — Karumal-du­mal ang sinapit na kamatayan ng isang 23-anyos na misis at kanyang 6-anyos na babaeng anak matapos silang pagsasaksakin at gilitan sa leeg ng sariling kaanak habang isa pang sanggol ang nakaligtas sa Sitio Bagongon, Brgy. Tomaloytoy ng bayang ito kama­kalawa ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Rose Ann May Tarica at anak na si Nicole.

Napatay naman ng mga tumugis na mga pulis makaraang manlaban ang suspek na si Joey Llames Blanca, 34-anyos, tiyuhin ni Ta­rica; pawang residente ng naturang barangay.

Sa ulat, dakong alas-10 ng umaga tumawag ng responde ang mga opisyal ng barangay matapos na matagpuan ng mga kaanak at residente ang bangkay ng mag-ina na parehong naliligo sa sariling dugo.

Agad sumugod ang mga pulis at nagulantang sila nang abutang hubo’t hubad at halos maputol ang ulo ng ginang, may mga saksak sa pagitan ng dalawang hita at sa iba pang bahagi ng katawan na pinaniniwalaang pinag­samantalahan bago pinatay.

Patay at laslas din ang leeg ng batang si Nicole, may saksak sa mukha at iba’t ibang bahagi ng katawan. Duguan pero wala namang sugat nang matagpuan ang 1-taong gulang na bata habang katabi ang kanyang wala nang buhay na ina.

Itinuro ng mga residente si Blanca na res­ponsable sa krimen kaya agad ikinasa ang hot pursuit operation laban sa suspek.

Dakong alas-3 ng hapon nang may nagturo sa suspek na nasa Brgy. Bagalayag kaya agad nagtungo sa lugar ang mga pulis at na­aresto si Blanca habang patawid sa kalsada.

Gayunman, habang patungo sa police station ay inagaw umano ng suspek ang baril ng isa sa mga pulis kaya napilitan ang mga operatiba na siya ay barilin.

Sinubukang isugod ng ambulansya ng MDRRMO-Castilla sa pagamutan ang suga­tang suspek pero hindi na umabot nang buhay.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with