^

Probinsiya

2 kawatan ng kalabaw at baka, tiklo sa Isabela

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Dalawang suspek na pinaniniwalaang mi­yembro ng isang mala­king sindikato ng pagnanakaw ng mga baka at kalabaw ang dinakip ng mga awtoridad matapos ang tila pelikulang habulan mula sa lalawigan ng Quirino hanggang sa lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jay-ar Ahuyan, 28, at Ninoy Utana, 25,  kapwa residente ng Barangay P. Mabini sa lungsod na ito at kapwa tubong Hallag Proper, Alfonsolista, Ifugao. Nakatakas naman ang dalawa pa nilang kasamahan na nakilalang sina Jomar Paclibare at Teddy Potang.

Ayon kay P/Capt. Reynold Gonzales, hepe ng Diffun Police, nabu­king ang operasyon ng dalawang suspek matapos silang magnakaw sa nasabing bayan subalit hindi agad  sila nadakip matapos makipaghabulan sa mga awtoridad.

Mula sa bayan ng Diffun, sa lalawigan ng Quirino ay nakipagha­bulan ang mga suspek hanggang sa makorner sila sa Brgy. Mabini sa tulong ng mga tauhan ng Santiago City Police Station 2 at Intelligence Unit katuwang ang Police Station 1.

Narekober sa lugar ang isang Kia Green van (WSD 277) na minamaneho ni Ahuyan; isang Hyundai White Grace van (REL 547) na minamaneho naman ni Otana, isa pang kulay gray na Hyundai Grace van (RDL7780) at tatlong ninakaw na mga baka at isang kalabaw.

Ayon sa pulisya, napag-alaman na bahagi umano ang mga suspek sa isang malaking grupo na responsable sa nakawan ng mga baka at kalabaw sa ilang bahagi ng Quirino, Nueva Vizcaya, Isabela at Cordillera kung saan nasa 10 van ang kanilang ginagamit sa pagnanakaw.

vuukle comment

REYNOLD GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with