^

Probinsiya

Taal volcano tuloy sa pag-alburoto: 185 pagyanig naitala

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Taal volcano tuloy sa pag-alburoto: 185 pagyanig naitala
Ayon sa Phivolcs, kabilang sa mga naita­lang pagyanig ay pitong low frequency volcanic earthquakes, 176 na volcanic tremors na tu­magal ng isa hanggang 16-minuto, at low-level background tremor na naitala simula noong Hulyo 7, 2021.
AFP/Ted Aljibe

Bumuga rin ng higit 6K toneladang sulfur dioxide

MANILA, Philippines — Patuloy pa rin sa pag-aalburoto ang Bulkang Taal matapos makapagtala ang Phi­lippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (Phivolcs) ng 185 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras kaya nananatili ito sa alert level 3 status.

Ayon sa Phivolcs, kabilang sa mga naita­lang pagyanig ay pitong low frequency volcanic earthquakes, 176 na volcanic tremors na tu­magal ng isa hanggang 16-minuto, at low-level background tremor na naitala simula noong Hulyo 7, 2021.

Nabatid na ibinuga rin ng main crater ang mataas na sukat ng volcanic sulfur dioxide gas at steam-rich plumes na may taas na 1,500 metro bago napadpad patungong timog kanluran at kanluran-hilagang kanluran.

Ang pagbuga ng sulfur dioxide (SO2) ay nasa 6,421 tonelada kada araw noong Hulyo 11, 2021. Unang nagbabala ang Philvolcs na ang sulfur dioxide ay lubhang nakasasama sa mata, lalamunan at respiratory tract ng isang tao.

Samantala, ang sukat umano ng ground deformation ng bulkan gamit ang electronic tilt, continuous GPS at InSAR monitoring ay nakakapagtala ng marahan na pag-impis ng Taal Volcano Island simula noong Abril 2021, samantalang ang kalakhang Taal ay nakakaranas ng marahang paglawak simula noong 2020.

“Ang Alert Level 3 (mataas na aktibidad) ay kasalukuyang nakataas sa Taal Volcano,” anang Phivolcs. “Sa kalaga­yang ito, ang magma na nanunuot sa Main Crater ay maaaring magdulot ng malakas na pagsabog,” dagdag nito.

Lahat ng mga aktibidad sa Taal Lake ay kasalukuyang ipagbabawal dahil sa kritikal na sitwasyon doon.

vuukle comment

BULKANG TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with