^

Probinsiya

Trader inutas sa harap ng nobya

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Trader inutas sa harap ng nobya
Sa ulat ng Datu Saudi Ampatuan Police sa pa­ngunguna ni P/Lieutenant Melvin Laguting, pasado alas-4:00 ng hapon habang minamaneho ni Rivera ang kanyang motorsiklo, angkas ang kanyang kasintahan upang magbenta sana ng sari-saring produkto sa nasabing lugar nang abangan at barilin siya sa kaliwang pisngi ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang negos­yante matapos barilin ng di kilalang suspek sa mukha sa harap ng kanyang nobya sa Barangay Dapiawan, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao noong Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Wilfredo Rivera, 21-anyos, at residente ng Barangay Bialong, Mlang, North Cotabato.

Sa ulat ng Datu Saudi Ampatuan Police sa pa­ngunguna ni P/Lieutenant Melvin Laguting, pasado alas-4:00 ng hapon habang minamaneho ni Rivera ang kanyang motorsiklo, angkas ang kanyang kasintahan upang magbenta sana ng sari-saring produkto sa nasabing lugar nang abangan at barilin siya sa kaliwang pisngi ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

Matapos na makitang bumalagta ang biktima, agad na kinuha ng mga suspek ang motorsiklo nito saka tinangay.         

Hindi naman sinaktan ng mga suspek ang nobya ng napaslang na negosyante. Blangko pa ang pulisya sa motibo ng pamamaril at pagpatay sa biktima.

vuukle comment

CRIME

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with