^

Probinsiya

Multicab sumalpok sa riprap: 1 todas, 7 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Multicab sumalpok sa riprap: 1 todas, 7 sugatan

Balatan, Camarines Sur, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang pasahero habang pitong iba pa ang sugatang isinugod sa pagamutan kasama ang driver matapos bumangga ang multicab sa riprap ng kalsada sa kahabaan ng national highway ng Balatan Proper ng bayang ito, kamakalawa ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa MMG Hospital sa bayan ng Nabua ang biktimang si Purita Sales Bebonia, 48-anyos, residente ng Brgy. La Purisima, Nabua habang ginagamot ang driver ng multicab na si Alex Saluna Hallare, 56, mga kaanak na sina Florecyl Sales Saluna, 42; Karen Red Sales,18; Mark Gil Sales Flordeliz,19; Vincent Sales Falcon,19; Arjay Red Sales,19, at isang minor na biktima.

Sa ulat ng pulisya, sakay ng Suzuki Multicab (GMA-747) patungong Balatan Proper at binabagtas ang highway nang pagdating nila sa palusong na bahagi ay nawalan ng kontrol sa manibela si Hallare dahilan para malakas na bumangga ito sa riprap ng kalsada.

Mabilis namang nasaklolohan ng ambulansya ang mga biktima at naisugod lahat sa pagamutan pero hindi na umabot ng buhay si Bebonia.

vuukle comment

AKISDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with