^

Probinsiya

Fernando, tatakbo pa ring governor

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

Sa halalan 2022 sa Bulacan

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Ipinahayag kahapon ni Bulacan Governor Daniel Fernando na ang pinakamataas na posisyon bilang gobernador pa rin sa lalawigan ang kanyang tatakbuhing posisyon sa darating na halalan sa May 9, 2022.

“Hangga’t maaari ay ayoko muna talagang pag-­usapan ang halalan o pulitika, makapaghihintay naman yan, kaya lang, gusto ko lang linawin sa ­aking mga kalalawigan na hindi nagbabago ang aking posisyon, kung ano yung posisyon ko nung una akong humarap sa inyo noong 2019, ay ganun pa rin po ang aking posisyon ngayon hanggang 2022, tatakbo pa rin po ako bilang gobernador ng ating lalawigan,” anunsyo ni Gob. Fernando.

Sinabi ni Fernando na sa loob ng tatlong taon niyang panunungkulan bilang gobernador ng Bulacan, hindi siya tumigil sa pagsusumikap na maibigay sa mga Bulakenyo ang matapat, may puso at maka-Diyos na paglilingkod, hanggang sa dumating ang hindi inaasahang COVID-19 pandemic na hinahanapan nito ng solusyon.

Sinabi pa ng gobernador na patuloy niyang iniaabot ang kamay ng pagkakaisa sa kanyang partner na si Vice Gov. Willy Sy-Alvarado na sana ay makasama pa rin niya sa kanilang laban bilang kanyang bise gobernador.

Naniniwala siya na ang pagkakaisa ng liderato ay mas mabuti para sa lalawigan.

Gayunman, nakahanda umano ang gobernador sa anumang laban na ang tanging nasa isip ay ang kapakanan ng bawat Bulakenyo.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with