^

Probinsiya

P28 milyong marijuana sinunog sa Kalinga

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
P28 milyong marijuana sinunog sa Kalinga
Ayon sa ulat ng Tinglayan Police sa Kalinga Provincial Police Office (KPPO), umaabot sa 110,000 puno ng fully grown marijuana plants na nakatakdang anihin ang binunot at tinatayang nasa P22 milyon ang halaga nito ang winasak sa 5,500 square meters na marijuana plantation sa nasabing lugar.
Michael Varcas/File

TABUK CITY, Kalinga, Philippines —  Nasa P28 milyon na halaga ng mga marijuana ang winasak at sinunog ng mga awtoridad sa isang plantasyon sa Barangay Loccong, bayan ng Tinglayan sa lalawigang ito kamakalawa.

Ayon sa ulat ng Tinglayan Police sa Kalinga Provincial Police Office (KPPO), umaabot sa 110,000 puno ng fully grown marijuana plants na nakatakdang anihin ang binunot at tinatayang nasa P22 milyon ang halaga nito ang winasak sa 5,500 square meters na marijuana plantation sa nasabing lugar.

Umabot naman sa 50,000 gramo na mga naa­ning marijuana stalks na nagkakahalaga naman sa P6 milyon ang sinunog din ng pinagsanib na puwersa ng KPPO, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Tinglayan PNP bilang bahagi pa rin ng isinagawang OPLAN 16 wacky ng pulisya.

Ang magkakasunod na pagwasak sa milyun-milyong halaga ng marijuana plantation sa Kalinga ay resulta umano ng ng tuluy-tuloy na police and community partnership activities na ipinatupad sa lahat ng drug affected barangays sa nabanggit na lalawigan.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with