^

Probinsiya

Ama, tinangkang lasunin ang 4 na anak bago nagbigti Misis na OFW may karelasyon na iba

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Ama, tinangkang lasunin ang 4 na anak bago nagbigti Misis na OFW may karelasyon na iba
Ang nasawing ama ay itinago sa pangalang Mulong, 39, isang magsasaka at residente sa nasabing lugar.
STAR/ File

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isang padre de pamilya ang nagtangka umanong patayin ang apat na anak sa pamamagitan ng paglason sa kanila bago nagpakamataay ang una sa Barangay Abra ng lungsod na ito, kamakalawa.

Ang nasawing ama ay itinago sa pangalang Mulong, 39, isang magsasaka at residente sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, gabi nitong Huwebes nang ipunin ng ama ang kanyang apat na anak na may edad 5 hanggang 14 sa loob ng kanilang bahay at pilit na pinaiinom ng juice na hinaluan umano nito ng lason na gamit sa pamatay ng daga.

Lingid sa kaalaman ng ama, nakita siya ng kanyang panganay na anak habang nagtitimpla kung kaya’t hindi nila ito ininom hanggang sa matabig ng ama at matapon sa sahig.

Agad na tumakas ang panganay na anak para humingi ng tulong su­balit hindi umano makapasok ang mga rumes­pondeng opisyal ng barangay matapos kabitan ni Mulong ng live wire ang kanilang pintuan upang walang  makapasok.

Kasunod nito, nakita na lamang ang katawan ng ama na nakabitin sa kanilang kisame bago magmadaling araw ng Biyernes.

Napag-alaman ng pulisya na may hindi umano pagkakaunawaan ang nasabing tatay at ang kanyang asawa na overseas Filipino worker (OFW) na sinasabing may iba umanong karelasyon sa ibang bansa.

Nasa maayos namang kalagayan ang apat na mga bata, ayon sa pulisya.

vuukle comment

ABRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with