^

Probinsiya

Bulag na ama kinatay ng lasenggong anak

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Bulag na ama kinatay ng lasenggong anak
Sa naantalang ulat ng pulisya, kinilala ang biktima na si Dalyana Lingi, 37-anyos, residente ng Prk 6, Sitio Datalpitak, Brgy. Colonsabac, Matanao ng nasabing lalawigan na dead-on the-spot sa insidente.

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang bulag na ama sa kamay mismo ng kanyang sariling anak na pinagsabihan nitong umiwas sa pag-inom ng alak matapos siyang pagsasaksakin sa loob ng kanilang tahanan noong Miyer­kules ng hapon sa Davao del Sur.

Sa naantalang ulat ng pulisya, kinilala ang  biktima na si Dalyana Lingi, 37-anyos, residente ng Prk 6, Sitio Datalpitak, Brgy. Colonsabac, Matanao ng nasabing lalawigan na dead-on the-spot sa insidente.

Kalaboso naman ang suspek at anak ng biktima na si Clifford, 19-anyos, residente sa nasabi ring lugar.

Lumilitaw na pinag­sabihan ng ama ang anak sa laging pag­lalasing nito pero ikinagalit ng huli kaya kumuha ng kutsilyo at pinagsasaksak ang walang kalaban-laban na amang bulag.

Labis naman ang  pagsisisi ng suspek na nakapiit sa Matanao Municipal Police Station at handang harapin ang kasong parricide na isinampa laban sa kanya.

vuukle comment

CRIME

SAKSAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with