^

Probinsiya

Droga pinade-deliver sa Lalamove, tiklo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Dahil sa nakaramdam ng ala­nganin at paghihinala ang isang Lalamove driver, palihim nitong chineck ang items na ipinade-deliver sa kaniya patungo ng Makati City mula sa Brgy. Panapaan 8 Bacoor Cavite, kamakalawa ng gabi.

Hindi nagkamali ang hinala ng Lala­move rider na nakila­lang si Nyl Gabriel Bandalan, 20-anyos ng Bacoor City matapos na makumpirmang Droga nga ang laman ng kaniya sanang ide­deliver. 

Sa pahayag ni Bandalan kay Pat. Marco Romero Cupo, may hawak ng kaso, may nag-booked umano ng delivery item patungo ng Makati City na kaniyang pinickup. 

Alas-7:07 ng gabi nang mag-booked sa Lalamove apps ang isang ‘di nagpakila­lang lalaki na may cellphone number na 0938-622-0166. Agad umanong ini-accept ni Bandalan sa apps at pinuntahan ang address ng magpapa-deliver sa Kakawate St., Meadowood Village, Brgy. Panapaan 8, Bacoor City. 

Pagdating sa lugar ni Bandalan, agad siyang kinausap ng nagpa-booked na hindi na pinabanggit ang pangalan na nakasuot ng black t-shirt at pants at  sinabi sa rider na mga damit ang laman ng parcel na ide-deliver nito sa isang babae na nagngangalang Eunice Z. ng The Rise Makati­ sa Brgy. Malugay, Makati City na may cellphone number na 0955-904-0346.

Agad na umanong umalis ang lalaki suba­lit biglang kinutuban ang rider hinggil sa nakipag-meet lang sa kanya ang lalaki sa sinabing lugar at hindi mismo sa bahay nito. Bunsod nito, kinapa muna ng courier ang nakabalot na items at may nakapa umano siya na isang matigas na bagay. Dito na niya sinilip ang loob ng parcel at may nakita siyang isang playing cards na ibinalot sa mga damit.

Agad na kinabahan ang Lalamove driver at mabilis na nagtungo sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya. Nang kanilang buksan ang nasabing box ng playing cards ay dito nadiskubre ang isang plastic sachet na nag­lalaman ng shabu.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with