^

Probinsiya

Ahente ng pekeng sigarilyo, tiklo

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Dinakip ng mga otoridad ang isang 33-anyos na lalaki, na nagpapakalat ng mga pekeng sigarilyo, matapos kumagat sa entrapment operation sa Villaluz, Delfin Albano sa lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ng Delfin Albano PNP ang nadakip na suspek na si Jerry Mamauag,  isang sales agent at residente ng  Barangay Santa, Tumauini.

Sa ulat ni P/Maj. Richard Limbo, hepe ng Delfin Albano PNP, nakatanggap ang kanilang himpilan ng reklamo mula sa isang negosyante matapos ibalik ng ilang mga residente ang sigarilyo na nabili sa kanyang tindahan dahil sa kakaiba umanong lasa.

Dahil dito ay agad na naglatag ng isang entrapment operation ang mga operatiba ng Delfin Albano-PNP na nagresulta sa pagkadakip ng suspek.

Nakuha kay Mamauag ang pitong reams at 20 pakete ng iba’t ibang brand ng  sigarilyo na nagkakahalaga ng higit P9,000, mga resibo at P1,608 na cash.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, bagama’t magkakaiba ang brand ng mga nakuhang sigarilyo ay halata na peke ang mga ito dahil pare-pareho umano ang ginamit na serial number at wala ring maipakitang kaukulang dokumento ang suspek.

Matatandaan na nitong huling linggo ng Hunyo ay nadakip rin ng mga operatiba ng Peñablanca PNP sa lalawigan ng Cagayan ang tatlong iba pang mga ahente na nagpapakalat din ng mga pekeng sigarilyo na kinilalang sina Albert Taguinod, 27; Protacio Eugenio, 56, at Jaime Lugo, 53, pawang mga residente rin ng Tumauini, Isabela.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with