^

Probinsiya

2 tulak huli sa 3-kilong marijuana bricks

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN LEONARDO, Nueva Ecija, Philippines — Dalawang hinihinalang tulak ng droga ang nasakote sa P160,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isang buy-bust operation sa Barangay Diversion dito, kamakalawa.

Kinilala ni P/Col. Jaime Santos, Nueva Ecija Police provincial director, ang mga naarestong suspek na sina Garry Nagaño, 33, drayber ng Barangay Bagong Silang, Talavera, Nueva Ecija; at Alex Benigno, 30, ng Tuao, Cagayan na kasalukuyang naninirahan sa Science City of Muñoz.

Sinabi ni Santos na ang operasyon laban sa dalawa ay isinagawa bandang alas-11:00 ng umaga ng mga elemento ng San Leonardo municipal police station sa pakikipagkoordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nasa 2.97 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nakuha sa mga suspek na tinatayang  aabot sa halagang P160,000.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with