^

Probinsiya

Drug dealer sa Baguio hinatulan ng ‘life’

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Drug dealer sa Baguio hinatulan ng �life�
Sa inilabas na desis­yon ni Judge Lilybeth­ Sinda­yen-Libiran ng Regional Trial Court Branch 61, napatunayang guilty ang akusadong si Gre­gory Wasit Quela, 37- anyos, sa pagbebenta ng illegal drugs at bukod sa life imprisonment ay pinamumulta siya ng P500,000 hanggang P1-milyon.
STAR/ File

BAGUIO CITY , Philippines — Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang drug dealer na naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI)-Cordillera may pitong buwan ang nakali­lipas sa lungsod na ito.

Sa inilabas na desis­yon ni Judge Lilybeth­ Sinda­yen-Libiran ng Regional Trial Court Branch 61, napatunayang guilty ang akusadong si Gre­gory Wasit Quela, 37- anyos, sa pagbebenta ng illegal drugs at bukod sa life imprisonment ay pinamumulta siya ng P500,000 hanggang P1-milyon.

Sa rekord ng NBI-Cordillera, si Quela ay naaresto noong Nobyembre 27, 2020 dahil sa pagbebenta ng shabu sa isang undercover government informant sa loob ng kanyang sasakyan sa Siapno Road, Baguio City.  Nasa 1.97 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng P12,000 ang nakum­piska mula sa kanya.

Na-arraigned si Quela noong Disyembre 15, 2021 at na-charged sa paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sinabi naman ni NBI-Cordillera regional­ director Atty. Hector Geo­logo na ang court ruling­ ay isang “victory” ng gobyerno sa illegal drugs war nito.  

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with