Bulacan drug ops: 7 ‘tulak’ arestado
MALOLOS CITY, Philippines — Pitong mga hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga ang natiklo ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa isinagawang magkakahiwalay na drug bust operation sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director ang naarestong mga suspek na sina Socrates San Jose ng Brgy. Perez, Bulakan, Bulacan; Jackielyn Manahan; Manuel Manahan, kapwa ng Brgy. Lolomboy, Bocaue, Bulacan; Nestor Chico ng Brgy. Camias, San Miguel, Bulacan; Michael Managuit ng Bubulong, San Ildefonso, Bulacan; Rommel Angeles at Bernardino Teraña; pawang ng Brgy. Sullivan, Baliuag, Bulacan.
Narekober sa mga suspek ang 21 plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at buy-bust money.
Ang mga suspek ay pawang nasa PDEA drug watchlist at may mga nakabinbing kaso ng pagtutulak ng ipinagbabawal na droga na dinidinig sa korte.
- Latest