^

Probinsiya

Anak na palasagot, binaril ng ama

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Anak na palasagot, binaril ng ama
Kinilala ng Tuao Police ang biktima na si Ferdinand Gammayao, 25, isang obrero habang ang suspek ay ang kanyang sariling ama na si Genaro, 62, kapwa nakatira sa nabanggit na lugar.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Inoob­serbahan ngayon sa pagamutan ang isang 25-anyos na binata matapos barilin ng sariling ama dahil sa pabalang na pagsagut-sagot sa kanya sa Barangay Alabiao, Tuao sa lalawigang ito, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ng Tuao Police ang biktima na si Ferdinand Gammayao, 25, isang obrero habang ang suspek ay ang kanyang sariling ama na si Genaro, 62, kapwa nakatira sa nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigas­yon ng pulisya, nakainom umano ang nakatatandang Gammayao nang komprontahin ang kanyang anak tungkol sa pagpapakain ng kanilang mga alagang hayop dakong alas-10:45 ng gabi nitong Sabado.

Bagama’t napakain na umano ng biktima ang kanilang mga alaga ay hindi umano nagustuhan ng ama ang pagsagot sa kanya ng kanyang anak kung kaya’t kinuha ang isang improvised na cal. 45 at ipinutok sa huli.

Agad na isinugod sa Tuao District Hospital ang binata at kalaunan ay inilipat sa Cagayan Medical Center sa lungsod na ito para maoperahan sa tama ng bala sa leeg.

Agad namang nadakip ang ama na nahaharap ngayon sa kasong frustrated parricide at paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

vuukle comment

BARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with