^

Probinsiya

Magdyowa arestado sa P3.4 drug ops

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Magdyowa arestado sa P3.4 drug ops
Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na sina Jeric Ramirez alias “Jam”, ang kinakasama nitong si Analym Aguirre alias “Lovely”; kapwa residente ng Imus City, Cavite at kapwa distributor ng mga illegal drugs sa Region 4A, NCR at mga kalapit na probinsiya.
STAR/ File

Nagpapakalat ng droga sa NCR at Region 4

CAVITE , Philippines — Nadakma ng mga awtoridad ang isang mag-live-in partner na kilabot na miyembro ng drug syndicate na nag-ooperate sa buong Region 4A at National capital Region (NCR) sa isang buy-bust operation sa parking lot ng isang kilalang fastfood chain sa lungsod ng Imus ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na sina Jeric Ramirez alias “Jam”,  ang kinakasama nitong si Analym Aguirre alias “Lovely”; kapwa residente ng Imus City, Cavite at kapwa distributor ng mga illegal drugs sa Region 4A, NCR at mga kalapit na probinsiya.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col Marlon Santos, alas-4:30 ng hapon nang madakma ang dalawang suspek sa parking lot sa Daang Hari, Imus, Cavite .

Ang pinagsanib na puwersa ng PNP-DEG, Special Operation Unit-NCR sa pangunguna ni  Police Lt. Col. Glen C Gonzales, PDEA 4A, Imus City Police Station at Cavite Police Provincial Office ang nag-operate ng drug bust kung saan nakuhanan ng mahigit sa 500 gramo ng shabu ang mga suspek na aabot sa halagang P3.4 milyon.

Narekober din sa mga suspek ang isang Mitsubishi Adventure na may plakang WOJ-669 at isang cellular phone.

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with