^

Probinsiya

‘Most wanted’ sa Batangas natimbog sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

HAGONOY, Bulacan , Philippines —  Makaraan ang labing-isang taon na pagtatago sa kamay ng batas, naaresto na ang Level No.5 Most Wanted Person sa Agoncillo, Batangas nang matunton ng mga awtoridad ang pinagtataguan nito sa Barangay Iba Ibayo ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Hagonoy Municipal Police Station at Agoncillo Police ang murder suspect na si Mario Vergara, 51-anyos, may-asawa at residente ng Banyaga, Agoncillo, Batangas.

Si Vergara ang itinuturong salarin sa pagpaslang sa kanyang pinsan na ang ugat ay selos.

Armado ang mga awtoridad ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Eutiquio Quitain, executive judge RTC Branch 5, Fourth Judicial Region sa Lemery, Batangas nang kanilang salakayin ang pinagtataguan ng suspect bandang alas-4:45 ng hapon.

Hindi na nagawang takasan ng suspect ang mga pulis at agad itinurn-over sa Agoncillo Municipal Jail upang pagbayaran ang nagawang pagkakasala.

vuukle comment

RTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with