^

Probinsiya

Dayo dedo, 4 arestado sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Dayo dedo, 4 arestado sa buy-bust
Samantala, arestado ang apat ding tulak umano ng droga kabilang ang isang lola at dalawang anak nito sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Purok Champaca 1, Brgy. Dicarma, Cabanatuan City, noong Martes ng gabi.
Boy Santos/ File

GENERAL NATIVIDAD, Nueva Ecija, Philippines — Isang dayo na tulak umano­ ng droga ang nasawi makaraang manlaban sa mga kagawad ng pulisya habang apat pa ang arestado sa magkakahiwalay na buy-bust ope­ration, dito sa lalawigan at sa Cabanatuan City noong Martes ng gabi.

Kinilala ni P/Capt. Shariel Paulino, hepe ng pulisya rito, ang napatay na drug suspect na si Crisanto Hizon, nasa hustong gulang ng Barangay Bantug Norte, Cabanatuan City.

Nabatid na bandang alas-11:15 ng gabi, kunsaan matapos magpalitan ng umano’y shabu at P500 bill ‘marked money’ ay naghinala ang suspek na pulis ang kanyang ka-transaksyon na nauwi sa kanyang kamatayan.

Aabot umano sa 19- piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha sa suspek na si Hizon na may street value umano na P119,000.

Samantala, arestado ang apat ding tulak umano ng droga kabilang ang isang lola at dalawang anak nito sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Purok Champaca 1, Brgy. Dicarma, Cabanatuan City, noong Martes ng gabi.

Kinilala ni P/Barnard Danie Dasugo, hepe ng Cabanatuan City Police, ang apat na suspek na sina Mary Ann Jaictem, 33, dalaga; at mag-iinang sina Wilma dela Cruz, 60, Jay-R dela Cruz, 33, binata, maintenance crew, at Rudy dela Cruz, 24, binata, tricycle driver, pa­wang mga residente ng nasabing barangay.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with