^

Probinsiya

Tone-toneladang asupre iniluluwa ng Taal Volcano

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Tone-toneladang asupre  iniluluwa ng Taal Volcano
Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) humigit kulang sa 14,326 tonelada kada araw ang nailalabas na asupre ng naturang bulkan nitong Hunyo 28.
AFP/Ed Jones

MANILA, Philippines — Patuloy na nagluluwa ng tone-toneladang asupre ang bunganga ng Bulkang Taal sa Batangas sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) humigit kulang sa 14,326 tonelada kada araw ang nailalabas na asupre ng naturang bulkan nitong Hunyo 28.

Nakapagtala rin ang Bulkang Taal ng 10 volcanic earthquakes at low-level background tremor simula pa noong Abril 8 ngayong taon at steam-rich plumes na may taas na 2,500 metro  mula sa Taal Main Crater.

Ang sukat ng ground deformation ng bulkan gamit ang electronic tilt, continuous GPS at InSAR monitoring ay nakakapagtala ng marahan na pag-impis ng Taal Volcano Island simula noong Abril 2021, samantalang ang kalakhang Taal ay nakakaranas ng marahang paglawak simula noong 2020.

Dahil sa mga obserbasyong ito, ayon sa Phivolcs na  batayan ng patuloy na pagligalig ng magma sa ‘di kalalimang bahagi ng bulkan.

Nananatili namang nasa alert Level 2 ang  Taal Volcano. Pinapayuhan ng Phivolcs ang publiko na bawal pa rin ang pagpasok ng sinuman sa Taal Volcano island  lalo na sa may main crater ng bulkan at sa  Daang Kastila fissure, at ang paninirahan at pamamangka sa lawa ng Taal ay hindi pinapayagan dahil sa banta ng panganib sa maaaring pagkakaroon ng phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at pagbuga ng volcanic gas sa  paligid ng isla.

Hinikayat din ng Phivolcs ang mga LGUs na nakapaligid sa bulkang Taal na  patuloy na suriin at pagtibayin ang kahandaan ng mga dati nang nilikas na barangay sa paligid ng Lawa ng Taal kung sakali mang magkaroon ng panibagong pag-aalburoto ang bulkan.

vuukle comment

TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with