^

Probinsiya

Pamilya ng 1 sa 2 nasawi sa Laguna ops, umatras sa kaso

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inatras na ng pamilya ng drug suspect na si Antonio Dalit alyas “Tala” ang kaso laban sa mga tauhan ng Laguna Police na nakapatay sa kanilang kaanak at sa isa pang  menor-de-edad.

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, hindi na interesado ang kapatid ni Dalit na si Lydia na ituloy pa ang reklamo laban sa mga pulis na nakapatay sa kanyang kapatid kamakailan.

Ani Eleazar, aminado si Lydia na sangkot ang kanyang  kapatid  sa  bentahan ng ilegal na droga dahil kilala umano ito sa kanilang  lugar na “tulak”.

Lumilitaw sa resulta ng autopsy report ng Regional Crime Laboratory sa CALABARZON, walang nakitang anumang bakas ng posas sa katawan nina Dalit at Helis maliban sa tama ng bala ng baril.

Taliwas sa alegasyon ng pamilya ng teenager na pinosasan muna ang dalawang biktima bago barilin ng mga pulis.

vuukle comment

CALABARZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with