^

Probinsiya

Bahagi ng chopper, lumutang sa Batanes

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines, Philippines — Isang hinihinalang bahagi ng eroplano ang natagpu­ang lulutang-lutang sa baybaying sakop ng Barangay Radiwan, Ivana sa Batanes kahapon.

Batay sa ulat ni P/Col. Ismael Atluna, police pirector ng lalawigan ng Batanes, unang natagpuan ng mangingisdang si Rodolfo Javier, ang parte ng eroplano subalit hindi maintindihan ang mga markings nito dahil sa nakasulat ito sa Chinese character.

Nakita umano ang parte ng eroplano na may 6-metro ang haba at 2-me­tro ang taas sa dagat na malapit sa Radiwan port.

Naging palaisipan sa pulisya kung saan galing ang nasabing bagay dahil sa wala naman umano silang namonitor na bu­magsak na eroplano nitong nakalipas na mga araw lalo sa nasasakupan ng Batanes maliban sa nangyari sa Tarlac kung saan may anim ang patay.

Dahil dito, ipinasakamay ng Batanes Police ang nakitang parte ng eroplano sa Aviation Security Group (Avse­group) ng Batanes para sa mas malalim na pagsisiyasat. Aalamin kung ang nakuhang bahagi ng sasakyang panghimpapawad ay bahagi ng bumagsak na chopper.

vuukle comment

BATANES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with