^

Probinsiya

‘Tulak’ todas sa buy-bust sa Nueva Ecija

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

LUPAO, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang da­yong lalaki na tulak umano ng droga makaraang makipagbarilan sa pulisya sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Agupalo Weste ng bayang ito, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Captain James Eblahan, hepe ng pulisya rito, ang nasawi na si Daniel Soliman nasa hustong gulang ng Barangay Zulueta, Cabanatuan City.

 Nabatid na alas-12:30 ng madaling-araw ng Biyernes, naglatag ng buy-bust operation ang Drug Enforcement Unit ng Lupao Police sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nasabing barangay.

Matapos magpalitan ng P500 ‘marked money’ at isang plastic sachet ng umano’y shabu ay bumunot umano ang suspek ng baril nang makahalata na pulis ang kanyang katransaksyon.

Gayunman, sumab­lay umano ang suspek na ginantihan ng putok ng pulisya. Napuruhan ang suspek at nasawi noon din.

Nakuha sa lugar ang caliber 38 revolver ng suspek, isang sachet ng umano’y shabu, dalawang basyo ng caliber .9mm, at isang kulay itim na Bajaj tricycle na gamit ng suspek sa kanyang ilegal na gawain. 

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with