556 indigent seniors binigyan ng cash card
SAN MARCELINO, Zambales , Philippines — Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng cash card sa may 556 indigent senior citizen sa bayang ito sa Zambales.
Ang cash card ay naglalaman ng financial assistance mula sa “Unconditional Cash Transfer” na nagkakahalaga ng P3,600.
Ayon kay Municipal Social Welfare and Development Office head Sahra Soria, ang naturang ayuda ay upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at dulot na rin ng pandemya.
Ayon pa kay Soria, clustering ang isinagawang pamamahagi sa ayuda upang maiwasan ang pagdagsa ng benepisyaryo at masunod pa rin ang ipinapatupad na health and safety protocols.
Katuwang ng DSWD sa proyekto ang Landbank of the Philippines.
- Latest