^

Probinsiya

Barangay chairman nilikida

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Patay agad ang isang punong barangay sa lungsod na ito matapos pagbabarilin ng ‘di pa nakilalang gunman sa Block 7, Notre Dame Village, Barangay RH-8, ng siyudad na ito ka­makalawa.

Kinilala ang nasawi na si Danny Darping, nasa hustong gulang, punong barangay ng Kalanganan 1, Cotabato City at residente ng nabanggit na lugar.

Sa ulat mula sa Cotabato City Police, abala ang biktima sa paglilinis ng kanyang sasakyan sa ‘di kalayuan sa labas ng kanilang tinutuluyang bahay sa Block 7, Notre Dame Village, Barangay RH-8 nang dumating ang mga suspek, pasado alas-7:00 ng umaga at agad siyang pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Sinisiyasat pa ng pulisya ang motibo ng pagpatay sa tserman.

vuukle comment

CHAIRMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with