Pagpatay sa FEU football player at pinsan, inako ng CPP-NPA
MANILA, Philippines — Inako na ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang buong responsibilidad sa pagpapasabog ng improvised explosive device (IED) na nakapatay sa isang football player at pinsan nito sa Masbate City noong Linggo.
Nagpahayag ng matinding pagsisisi ang CPP at sinabing ang insidente ay resulta ng pagkakamali ng NPA unit nila sa Barangay Anas kung saan nangyari ang trahedya.
Handa rin umano sila magbayad ng danyos.
Una nang sinabi ng mga awtoridad na itinanim ng NPA ang IED na sumabog habang nagbibisikleta sa lugar ang mga biktimang si FEU footballer Keith Absalon, 21, at pinsang si Nolven Absalon habang isa pang menor-de-edad ang sugatan.
“The entire CPP and NPA take full responsibility for the tragedy. There is no justification for the aggravation this has caused the Absalon family,” ayon sa CPP NPA.
- Latest