7 turista sa Boracay nameke ng swab test, arestado
MANILA, Philippines — turista sa Boracay sa Malay, Aklan ang hinuli matapos mahulihang gumagamit ng mga umano’y pekeng RT-PCR test result.
Sa report ng Malay Police, pumasok ang mga turista sa Boracay noong Biyernes. Apat sa mga lokal na turista ay galing Cavite at tig-isa naman ang galing Quezon City, Maynila at Bulacan.
Nang isailalim sa beripikasyon ang mga iprinisintang RT-PCR test result ay lumilitaw na peke ang mga ito.
Dinala sila sa quarantine facility sa Kalibo, Aklan para isailalim sa swab test, ayon sa pulisya ay kakasuhan ng paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at falsification of documents.
Binuksan noong Hunyo 1 ang Boracay sa mga turistang taga-NCR Plus o Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal na nasa ilalim ng “restricted” general community quarantine.
- Latest