^

Probinsiya

2 rider tepok sa pag-overtake

Tony Sandoval, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang motorcycle rider sa magkahiwalay na aksidente sa lalawigan ng Albay at Quezon.

Sa Daraga,Albay, namatay noon din si Jessie Payatag Mabelin, 46, ng Brgy. Kimantong habang isinugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang angkas na si Jaspal Singh Gill, 28-anyos,ng Our Lady’s Village,Brgy.Bitano, Legazpi City.

Sa ulat, alas-7:10 ng umaga ay magkasunod na binabagtas ng XRM-motorcycle ng mga biktima at trailer truck na minamaneho ni Roman Basangan Cativo, 48, ng Peñaranda Street, Brgy.Bonot,Legazpi City ang kahabaan ng highway nang ito ay mag-overtake sa sinusundang truck at sumemplang at magulu­ngan ng 24-wheeler trailer truck na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Sa bayan ng Calauag, Quezon ay hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 18-anyos na si Jhyds Rotas,ng Barangay Sta.Milagrosa nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na L300 van na minamaneho ni Eric Bagayawa ng Taguig City sa Maharlika Highway,Barangay Su­milang, ng bayang ito, kamakalawa ng alas-10:00 ng gabi.

Tumilapon ang biktima buhat sa kanyang motorsiklo at una ang ulong bu­magsak sa kalye na isinugod sa St.Peter General Hospital,subalit nalagutan na ng hininga sa daan pa lamang.

vuukle comment

JESSIE PAYATAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with