Alabat Island larga na sa vaccination rollout
PEREZ, Quezon, Philippines — Sinimulan na kahapon ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga prayoridad na residente ng bayang ito na saklaw ng Alabat Group of Island gamit ang mga bakunang gawa ng AstraZeneca.
Ayon sa lokal na pamahalaan, dumating noong Huwebes ang 400 doses ng bakuna mula sa Department of Health (DOH) Region IV-A na ipinadala gamit ang airlift transportation upang masigurong mabilis at ligtas na makakarating ang mga ito sa Alabat Island National High School kung saan matatagpuan ang kanilang cold chain facility.
Ayon sa Perez Rural Health Unit, isasagawa ang limang araw na pagbabakuna sa mga nasa priority list sa Perez Municipal Covered Court.
- Latest