^

Probinsiya

Pusher’ tumba sa buy-bust, 3 pa huli sa higit P.3 milyongshabu

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA , Philippines — Patay ang isang lalaking­ tulak habang tatlong iba pa ang naaresto mata­pos makuhanan ng may mahigit P.3 mil­yong shabu sa dalawang­ mag­ka­sunod na buy-bust ope­ration sa Cabanatuan City.

Ayon kay P/Col. Jaime Santos, Nueva Ecija Police provincial director, nakilala ang napatay na si Romnick Garces ng Brgy. San Josef Sur, Cabanatuan City matapos umanong manlaban sa operatiba ng Lupao Police na pinamunuan ng hepe nito na si P/Capt. Ronan James Eblahan.

Sa ulat, alas-2 ng madaling-araw kahapon nang isinagawa ang buy-bust operation sa Brgy. La Parista kung saan nabilhan ng police poseur buyer ng isang sachet ng umano”y shabu ang suspek na si Garces.

Naghinala ang suspek na pulis ang ka-tran­saksyon na nauwi sa pan­lalaban umano nito na kanyang ikinasawi. Agad na tumakas ang kasabwat ni Garces patungong San Jose City.

Samantala, nadakip sa hiwalay ang tatlo pang tulak umano ng droga na sina Royce Pestaño, 32, may-asawa, tricycle dri­ver ng Ma. Theresa Ext., Brgy. Dicarma, Cabana­tuan City; Ramoncito Pestaño, 34, binata, jobless ng Royal Mansion, Greenhills, Mandaluyong City; at Ray Anthony Pa­lapal, 35, may-asawa, job­less ng Brgy. Caridad, Cabanatuan City. Nakuha ng pulisya sa kanila ang P376,862 na halaga umano ng shabu.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Barnard Danie Dasugo, hepe ng Cabana­tuan City Police, unang nahuli ang suspek na si Palapal sa isinagawang buy-bust sa Purok 7 ng Barangay Caridad, bandang alas-9 ng Martes ng umaga. Nakumpiska sa kanya ang 4 sachet ng umano’y shabu na may timbang na 5.18 gramo at nagkakahalaga ng P35,230.

Sunod namang ina­resto ang magpinsang Pestaño sa Purok West, Brgy. Caridad alas-9:20 ng umaga nitong Martes. Nakuha sa kanila ang 14-plastic sachet ng hi­nihinalang shabu na may timbang na 50.24 gramo at nagkakahalaga ng P341,630.

vuukle comment

JAIME SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with