^

Probinsiya

Duterte nagbanta ng ‘all-out offensive’ vs BIFF

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Duterte nagbanta ng �all-out offensive� vs BIFF
Ginawa ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pahayag kasabay ng kanyang pagbisita nitong Martes sa Camp Brig. Gen. Gonzalo H. Siongco sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
STAR/ File

Sa kanyang pagbisita sa Maguindanao

MAGUINDANAO, Philippines — Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na kung hindi matatapos ang problema ng pamahalaan sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), mapipilitan siyang magpababa ng kautusan sa Philippine Army na magsagawa ng “all-out offensive” laban sa nasabing bandidong grupo.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasabay ng kanyang pagbisita nitong Martes sa Camp Brig. Gen. Gonzalo H. Siongco sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ang pahayag ng pre­sidente ay sa harap ng mga local officials ng Bangsamoro Autonomous­ Region in Minda­nao at mga local chief executives ng lalawigan kung saan nakiusap siya sa BARMM government na aksyunan na at huwag nang ha­yaan pang makapaghasik ng karahasan ang BIFF.

“Ngayon nagmama­kaawa ako sa inyo tulu­ngan ninyo ako because otherwise, if I give the order for an all-out offensive, it will be bloody and it will be sad. ‘Yun ang ayaw ko,” pahayag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, hindi maaaring magpa­tuloy ang karahasang gi­nagawa ng BIFF lalo na sa mga sibilyan at ang patuloy nitong pananam­bang sa puwersa ng mi­litar.

Panawagan ng Pa­ngulo sa BARMM offi­cials, hindi sana sila ma­bigyan ng sank­tuaryo na maaaring pagtaguan ng mga teroristang ito.

Matatandaan na umaga ng Sabado ng okupahin ng miyembro ng BIFF-Karialan Faction ang public market ng bayan ng Datu Pag­las na nagresulta sa pag­likas ng mga residente ng bayan.

vuukle comment

BIFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with